Hindi lahat ng bagay na hindi mo maabot ay dapat tignan mo na lang sa malayo. Ang distansya sa pagitan mo at ng bagay na gusto mo ay nagsisimbolo sa hamon para makuha mo ang gusto mo. Hindi ba mas masarap kapag pinaghihirapan? Dahil sabi nga nila, kapag gusto, maraming paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.